CHED Memorandum Blg. 59 (1996) Ito ang binubuo ang “ New General Education Curriculum” o GEC ito ang kauna-unahang kautusan para sa edukasyon sa tersyarya isinasaad ng kurikulum na ito na simula 1997 ang GEC – Filipino rekwayrment ay siyam (9) na yunit katumbas ng tatlong kurso para sa Humanities, Social Science, at Communication o HUSOCOM.
Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 Nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
Executive Order No. 45, s. 2001 – Ang 2001 Rebisyon ng Alpabeto at Patnubay sa lspeling ng Wikang Filipino Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.