Artikulo XV, Seksyon 3, Saligang Batas ng 1973
Taon kung kailan pormal na pinagtibay ang wikang “Filipino” bilang wikang pambansa. Nagtakda ang batas na ito ng panibagong wikang papalit sa Pilipino na tinatawag nating “Filipino”. Nananawagan ito na gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pag-aampon ng isang pangkaraniwang pambansang wika na kilala bilang “Filipino”.
Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978)
Nilagdaan ni Juan L. Manuel, Ministro ng Edukasyon at Kultura, ang na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas.
Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1987
Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.
Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol.
Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987)
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing, Departamento ng Edukasyon Kultura at Palakasan, na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan.
Atas Tagapagpaganap Blg. 335 (1988)
Nag-aatas sa lahat ng kagawaran/kawanihan/tanggapan/ahensiya/instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)
Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin.
Share with your friends: |