Kayla Marie Macadangdang



Download 17.21 Kb.
Date15.03.2024
Size17.21 Kb.
#63871
PAN 2

Kayla Marie Macadangdang
BSN-4

“Naisangsangayan a Daga”

“Naisangsangayan a daga” ay naglalarawan ng mga kasaysayan ng mga matanda na babae sa San Nicolas, Ilocos Norte nq nagpatuloy sa kultural na mana ng paggawa ng pottery.
Ito ay naglalarawan kung saan ang dalawang lola na eksperto sa paggawa ng potters; minana nila ang kanilang mga kakayahan at kaalaman sa paggawa ng potters sa kanilang mga magulang. Ito ay nagpapahiwatig na ito ay isang malaking bahagi ng tradisyon ng Pilipinas, gayunpaman, ang kanilang mga anak ay tumanggi na matuto ang pottery. Nakakalungkot dahil ang isang bahagi ng tradisyon ay unti unti ng di nabibigyan ng pansin. Ang pagsisikap na ito ay magpapahayag ang kakayahan at katotohanan. Sa panahon ngayon tayo ay nasa mundo ng makabago o mundo ng telnolohiya. Ang pottery making ay nakapagbibigay ng pagkakataong magkaroon ng sustenableng maka-kapaligiran na pagkakakitaang pangkabuhayan habang pinapangalagaan ang pamanang pang-kultura at lokal na maka-manlilikhang sining. Maaaring pagkakitaan at kasabay na rin dito naka-aambag sa pangangalaga ng ating pamanang kultura. Nagkakaroon naman ng mas matibay na kamalayang pagmamay-ari ang komunidad dahil sa minana nilang mga tradisyon mula sa kanilang mga ninuno. Sa pamamagitan ng short film na ito, inaasahan nila na mas mapalago ang pottery making.
Maipapakita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino kung tatangkilikin at mamahalin natin ang sariling atin. Dapat nating ipagmalaki kung anong kultura ang mayroon tayo. Sa simpleng paraan na ito, malaki ang magagawa nitong pagpapahalaga hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa ating kultura.
Kayla Marie Macadangdang
BSN-4

“100 Tula Para kay Stella”



Ang pag-ibig ay siyang makapangyarihan sa lahat. Nagagawa nitong paluhain,pasayahin at ibat-ibang klaseng emosyon na iyong mararanasan.Handa ka bang taggapin ang lahat at handa ka na bang masaktan?
Ang magmahal ay masarap lalo na kung naipaparamdam mo ito sa kaniya. Ngunit sa storya ni Fidel na siya ay naging pipe sa kaniyang nararamdaman ay hindi sila nagkatuluyan. Mahalaga na kapag may nararamdaman tayo sa iba ay aminin natin at iparamdam ito dahil sa huli ay pagsisihan natin ito kung hindi natin maiparamdam. Hindi lahat ng pagkakataon ay binibigay ng Diyos upang makamtan natin at maenjoy limitado lang ang oras na meron tayo sa mundo. Pero ganun talaga katulad ng sabi ni Fidel na di naman lahat ng gusto mo makakatuluyan mo. Kaya sa huli ay kailangan lang talaga na matanggap na hindi lahat ay para sa isat-isa. Lahat ay binibigyan ko ng halaga dahil katulad ni Fidel na gusto ko maiparamdam kahit sa tula man lang.Di rin kase ako ang tipo ng tao na expressive para maiparamdam nalang sa taong mahal ko ang aking nararamdaman. Sa punto na bumagsak si Stella ay maihahalintulad ko ito sa aking sarili na kung saan tinuruan at sinabayan ako ng taong mahal ko para maipasa ang isang sabjek.Binigyan niya ako ng isang lista na dapat gawin at sundin para maipasa ang isa sa mga paksa. Katulad ni Fidel gusto ko rin ng maaraw kesa maulan dahil ayaw ko ng nababasa ako pero katulad niya ay mas gusto niya ng maulan dahil hilig niya ay matulog at makinig sa musika. Ang pelikulang 100 na tula para kay Stella ay isang Teoryang Realism. Ang teoryang realism ay tumtukoy sa mga naobserbahan ng may-akda sa mga nangyayari sa lipunan, kung saan ipinapakita na ang mga pangyayari sa pelikula ay nangyayari sa totoong buhay.
Mararamdaman mo ang tuwa at sakit sa damdamin ng mga karakter sa pelikulang ito. Ang “100 Tula Para Kay Stella” ay mag-iiwan ng impresyon na gugustuhin mong ipagsapalaran ang lahat para sa iyong iniibig; at kahit pa nasasaktan ka, kung nakikita mong masaya ang iyong minamahal, matututunan mong magpaparaya.
Download 17.21 Kb.

Share with your friends:




The database is protected by copyright ©ininet.org 2024
send message

    Main page