PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ni ANNA LYN A. MANGIBUNONG
Tekstong Deskriptibo
KUWARTER 3 LINGGO 2
Balikan:
Kung iyong maalala sa modyul 1 ay natutuhan mo ang kahulugan at kalikasan ng tekstong impormatibo. Ito ay naglalayong magpaliwanag at magbigay ng makatotohanang impomasyon sa mga bagay-bagay o nangyayari sa paligid. Mayroon itong elemento: layunin ng may-akda, pangunahing ideya, pantulong nakaisipan at mga estilosa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyangdiin. Bukod sa elemento ay mayroon din itong uri: paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan, pag-uulat pang-impormasyon at pagpapaliwanag