Gamit ng cohesive devices o kohesyong grammatical sa pagsulat ng tekstong Deskriptibo
5. Kohesyong leksikal – Mabibisang salitang ginagamit sa tekstoupang magkaroon ito ng kohesyon. Maari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon
2 uri ng kohesyong leksikal
a. Reiterasyon – Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauuri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
halimbawa ng reiterasyon
a.1. Pag-uulit o repetisyon - Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtratrabaho na sa murang gulang pa lamang.
a.2. Pag-iisa-isa – Marami ang siyang handa noong kaarawan niya. Mayroong pansit, spaghetti, pritong manok at baboy, suman, puto, at keyk.
a.3. Pagbibigay-kahulugan - Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
2 uri ng kohesyong leksikal
b. Kolokasyon - Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiiisip din ang isa.
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o
kakintalang likha ng pandama. May dalawang uri ng paglalarawan. Obhetibo ang
paglalarawan kung direktang nagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di
mapasusubalian, samantalang subhetibo naman ang paglalarawan kung kinapalolooban
ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon. Kung nais
ng manunulat ng simpleng paglalarawan, gagamit siya ng karaniwang paraan at kung nais
niya namang pagalawin ang imahinasyon ay maaari niyang gamitin ang masining na
paraan.
GAWAIN SA LINGGO 2 KUWARTER 3
Balikan at alalahanin ang isang lugar /mayayamang pasyalan/ magagandang tanawin na napuntahan sa sariling probinsiya at Sumulat ng isang teksto na naglalarawan gamit ang mga cohesive device sa pagsulat ng tekstong deskriptibo.
GAWAIN SA LINGGO 2 KUWARTER 3
Ang nasabing gawain ay tatayahin batay sa mga
sumusunod na pamantayan: husay ng pagkakasulat at paglalarawan, paggamit ng angkop na
datos patungkol sa lugar, at paggamit ng angkop na cohesive devices o kohesiyong gramatikal.