Ang dalawang pahayag na binasa sa loob ng kahon ay halimbawa ng paglalarawan. Kung ating susuriin, mas madaling maintindihan ang nasa pahayag B kumpara sa pahayag A sapagkat gumamit lamang ito ng payak o simpleng mga salita. Samantala, sa pahayag A naman ay sadyang mabulaklak ang pagkakabuo nito. Ito ay tinatawag nating mga paraan ng paglalarawan – masining at karaniwan.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iguhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng