mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa
Bagama’t mga pang-uri at pang abay ang karaniwang ginagamit na mga salita sa pagbuo ng tekstong deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan tulad ng paggamit ng mga pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao at iba pa.
Dalawang Paraan ng Paglalarawan
1. Karaniwang Paglalawaran – tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay. Inilalahad sa tekstong ito ang mga pisikal na katangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng obserbasyon.