Musmos pa lamang ay nakagisnan na niya ang tunay na hagupit ng mundo. Walang katiyakan kung kailan mababago ang pagdurusa ng taong ipinagkait ng karangyaan sa buhay. Hindi niya alintana ang maghapong kasalo ang gintong araw, ang mahalaga’y mabuhay siya nang naayon sa galaw ng mapang-aping lipunan.
Bata pa lamang ay mulat na siya sa kahirapan. Hindi alam kung kailan magtatapos ang kaniyang paghihirap. Araw-araw ay makikita siya na padaan_daan kahit mainit ang panahon at nanghihingi ng limos para mabuhay