Gamit ng cohesive devices o kohesyong grammatical sa pagsulat ng tekstong Deskriptibo
Halimbawa ng reperensiya:
Anapora
Pusa ang gusto kong alagaan. Ito kasi ang kinahihiligan kong hayop noon pa man.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy ng panghalip na ito.)
Gamit ng cohesive devices o kohesyong grammatical sa pagsulat ng tekstong Deskriptibo
Halimbawa ng reperensiya:
Katapora
Magbubukang-liwayway pa lamang ay abala na siya sa paghahanda. Maagang papasok sa trabaho dala ang mukhang kaaya-aya sa paningin ng marami. Maghapon na naman siyang maghahatid ng bagong kaalaman sa mga batang uhaw sa karungan. Siya ang aking inspirasyon. Siya si ma’am Cruz, ang pinagmamalaki kong ina.
(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay ma’am Cruz, ang ipinagmamalaking guro. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy na siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)