KASAYSAYAN NG PELIKULANG PILIPINO
∙ Ang Pelikulang Pilipino ay ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at isang popular na uri ng libangan. Isa rin ito sa mga pinagkukunan ng trabaho ng mga 260,000 na Pilipino. Kumikita ito ng 1.5 na Bilyong Piso taun taon.
∙ Noong 1 Enero 1897 may apat na pelikulang pinamagatang Un Homme au Chapeau o (Kalalakihang may Sumbrero) Une scene de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones) La Place l'Opera Sa lugar ng Tanghalan les Boxers (Ang mga Boxingero) ay ipinalabas sa Salon de Pertierra na isang sinehan sa 16 Calle Escolta ng isang ngangalang Antonio Ramos na isang Sundalo mula sa Espanya,
∙ Ang Pelikula ay buhat sa mga bansang Pransiya Alemanya at sa Britanya, ang ipinapalabas sa Lungsod ng Maynila.
∙ Para makaakit ng mga manonood, ay ginamit ang Lumiere para gawing tagakuha ng mga magagandang mga eksena mula sa mga lokal na tanawin sa Pilipinas na isang dokomentaryo tulad ng Panorama de Manila o ang lupain ng maynila, Fiesta de Quiapo o Pista ng Quiapo, Puente de Espanya o ang tulay ng Espanya at La Ecsenas de la Callejeras o ang Sayawan sa kalye.
∙ Ang ikalawang sinehan ay itinayo ng isang Kastilang negosyante na nagngangalang Samuel Rebarber, ∙ Tinawag naman itong Gran Cinematografo Parisen, na nasa No.80 calle Crespo sa Quiapo ∙ Noong 1903, Ang isa ng Pilipinong nagngangalang Jose Jimenez ay nagtayo ng isang sinehang Gran Cinematograpo Rizal sa Calle Azcaraga (na ngayon ay Abenida C.M. Recto)
∙ Noong 1910, ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan na Chronophone ang mga Briton na kumukuha ng pelikula ay pumunta sa Pilipinas at kumuha ng magagagandang tanawin sa Pilipinas, tulad sa talon ng Pagsanjan noong 1911 ng Kinemakolor,
∙ Noong 1912, ang isang kumpanysa sa Hollywood ay gumawa ng isang pelikula na ang pamagat ay La Vida de Rizal na tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani, at dito nag simula ang Pagkakapanganak sa Pelikulang Pilipino.
Mga Unang Pelikulang Pilipino
∙ Ang kauna- unang pelikulang ginawa ng Pilipinas ay ang Dalagang Bukid sa direksiyon ni Jose Nepomuceno noong 1919 base sa Zarzuela na isang higly-acclaimed MeloDrama ni Hermogenes Ilagan at ni Leon Ignacio
∙ Noong 1929, ang Syncopation,na isang kaunaunahang pelikulang may tunog ay ipinalabas sa Radio Theater sa Maynila sa Plaza Sta.Cruz ay gumawa ng Talkie o pelikulang may lapat na tunog sa mga lokal na produser ng pelikula.
∙ Noong Disyembre 8, 1932 ay ginawa ang unang Tagalog na pelikula na pinamagatang Ang Aswang, na isang pelikula na may tema ng katatakutan base sa mga Alamat.
∙ Ang pelikulang purong tunog, ay ang Punyal na Ginto na ipinalabas noong Marso 9,1933 sa Lyric Theater
∙ Noong 1930s, ang ilang mga artista at mga prodyuser ay tumutulong sa pagpapaunlad pa ng industriya ng pelikula. Ang mga tao ay namangha sa mga magagaling na pagganap at sa pagpili ng tema ng pelikula. Karamihan dito ay tungkol sa mga pinagdaanan ng mga Pilipino sa mga mananakop, tulad ng Patria Amore; Mutya ng Katipunan ni Julian Manansala na mayroong elemento ng propagandang Anti
spanish .
∙ Si Carmen Concha, - unang babaeng direktor sa Pilipinas ay gumawa din ng mga ilang pelikula tulad ng Magkaisang Landas at ang Yaman ng Mahirap noong 1939, sa ilalim ng Parlatone Hispano-Filipino at Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.
Panahon ng Ikalawang Digmaang pandaigdig at ng pananakop ng Hapones
∙ Ang mga Hapon ay nagdala ng kanilang mga pelikula sa Pilipinas, ngunit hindi ito naging popular, sa halip, pelikulang laban sa mga Hapon ang tinangkilik. Ang tema nang panahong ito ay tungkol sa pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas. Komedya nina Pugo at Togo ang naging popular na kalaunan ay naging Tuguing at Puguing.
∙ Noong kasagsagan ng digmaaan, ang karamihan sa mga artista ay nakadipende sa entablado lalo sa Maynila Ang mga sinehan noon ay bibihira dahil sa mga kaguluhan.
Dekada 50
∙ Pagkatapos ng digmaan, ay sumikat ang mga pelikulang ukol sa digmaan, ang mga tao ay gustong gusto na makapanood ng mga iyon, na ang karamihang tema ay propaganda, tulad ng Garison 13,(1946) Dugo ng Bayan, (1946) Walang Kamatayan at Gerilya na isang uri ng naratibong salaysay tukol sa mga kabayanihan ng ng mga sundalo noong panahon ng digmaan.
∙ Dito din nag simula ang Realismo sa Pelikula ng Pilipinas. Base sa mga buhay ng Pilipino tulad ng tungkol sa mga napapanahong mga usapin sa lipunang kinagagalawan ng mga Pilipino, sa panahong ito ay naging popular rin ang komedya at drama.
Share with your friends: |