Mga Batas Pangwika Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1896)



Download 17.46 Kb.
Page1/4
Date30.09.2023
Size17.46 Kb.
#62205
  1   2   3   4
NO 2 - BATAS PANGWIKA

Saliksikin ang mga ss
1. Kasaysayan ng Wikang Pambansa
2. Mga Batas Pangwika ( isulat sa yellow paper at ipasa kay Mayor)
3.Maghanda para sa Markadong Talakayan sa ss na miting ...Salamat


Mga Batas Pangwika
Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1896)
Ang wikang opisyal ng katipunan ay tagalog na naging midyum sa mga paghatid-sulat at dokumento ng kilusan. Ang wikang tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.


Artikulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935
“… ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”


Batas ng Komonwelt Blg. 184 (1936)
Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936. Inaprubahan ng Kongreso na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng Wikang Pambansa.


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Sa pamamagitan ng Kautusang ito ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa at itinagubilin din ang pagpapaturo ng wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pribado na nagsimula noong Hunyo 19, 1940
Batas Komonwelth Blg. 570 (1946)
Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.


Proklamasyon Blg. 12 (1954)
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
Proklamasyon Blg. 186 (1955)
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong Quezon (Agosto 19).



Download 17.46 Kb.

Share with your friends:
  1   2   3   4




The database is protected by copyright ©ininet.org 2024
send message

    Main page