Memorandum Sirkular 21 (1956) Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959 Nilagdaan ni i Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962 Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963 Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967 Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na nag lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968) Nagtatagubilin sa lahat ng kawani ng pamahalaang dumalo sa seminar sa Pilipinong pangungunahan ng Surian ng Wikang Pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969 Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa.
Memorandum Sirkular Blg. 488 (1971) Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel (Hunyo 19, 1974) na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal.
Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987 Paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.